Paano magsimula maging work-at-home Moms?
- CWAHMP
- Apr 21, 2018
- 4 min read
Paano magsimula maging work-at-home Moms?
Ang lumaki ang ating mga anak na kasama natin ay isa sa mga priority nating mga Filipina moms. Ung makikita natin ung unang ngiti nila, maririnig ung unang tawa, unang pagsasabi ng salitang ‘mama’, makikita ang unang hakbang. Tayong mga Filipina moms, gusto natin na nasa tabi tayo ng anak natin sa bawat milestones ng buhay nila.
Minsan may PTA meeting pala sa school o kaya kuhanan pala ng card, at hindi pweding hindi ka pumunta kasi mark as absent ang mga anak natin kapag wala kang pirma sa ledger.. haha
Pero minsan dahil meron din tayong mga kailangan tugunan, naisasantabi natin itong mga bagay na to at mas pinipili nating magtrabaho malayo sa mga mahal natin upang mapunuan ang mga bagay para tayo patuloy na mabuhay. Tulad na lamang ng bills, foods, clothing, tuition fee and the list goes on..
Pero mga mommies, sa panahong ngayon na maganda na ang ating technology at meron na rin tayong malakas na internet connections pwede natin itong pagsabayin.
Paano nga ba magsimula mga mommies?
1. Know your strength.
Unang una mga mommies, dapat know your strength, know you skills, know your capabilities and abilities. At kung alam mo ang mga ito syempre alam mo rin kung ano ang mg resposibilities mo. Kung magaling kang magsulat, then pwede sa yo ang creative writing, kung magaling ka namang magsalita at makipag usap sa tao, then VA or english teacher ang bagay sa yo, kung meron kang power para kumbinsihin ang mga listeners mo, pwedeng pwede ka sa sales, at kung art naman ang forte mo then go for graphic designing. And kung magaling ka sa lahat, why not do it all. haha. My point here mga mommies is that, we can do anything, basta kilala natin ang sarili natin. Ito rin kasi ang pinaka bala natin para makakuha tayo ng clients at magkaroon ng long term online jobs.
Minsan, gusto natin pero wala tayong idea kung paano magsisimula. Don't worry mommies, kapag nakakalap na ng sapat na participants ang CWAHMP, magbibigay tayo ng trainings and tutorials para matutunan natin lahat yan.
2. Equipments
Syempre kailangan meron kang equipments. desktop or laptop ay pwede na. Kasi ito ang magiging tools mo sa paghahanap at para ma maintain mo ang iyong trabaho. Marami ng mga mura ngayon. Kunin mo ung equipment na nababagay sa yo. Tulad ko, graphic designer, kailanagan ko ng mas malakas at matibay na desktop para ma process ko ung malalaking files na ginagawa ko. Pero nagsimula rin lang ako sa maliit. Hanggang sa na improve na lang nung nagkaroon na ako ng client. Pero kung data or email naman ang forte mo. pwede na ung maliit ang specs or maliit na laptop. Sa kalaunan naman madadagdagan mo rin yan, depende sa demands ng clients mo. Tulad ng webcam, may mga clients na gusto nila nakikita ka nila habang nagbibigay ng sila instructions at marami pang iba.
3. Internet connections
Napakahalaga ng internet connection sa mga tulad nating mga work-at-home moms. kasi ito ang mag co connect sa atin sa ating mga clients. Ito rin ang magiging susi natin sa paghahanap ng clients at ng kung anong maii offer natin sa kanila. Kaya mga mommies, kagaya ng paghahanap ng tamang equipments, alamin mo rin kung anong internet plan ang nababagay sa yo. Marami tayong options na hindi naman kailangan magbayad ng malaki. kung data and emailing ang forte mo, pwede na ung mababang plan. Meron akong kaibigan, logistic naman ang forte nya, so ang kinuha nyang internet plan is ung mababa kasi data at monitoring lang naman ang ginagawa nya. Pero kung kailangan mong mag download and upload ng malalaking files. kailangan mo talaga ung mataas na internet plan.
4. Alamin ang mga online sites kung saan ka pwedeng mag apply
(ito ay nasa ibang blog ko)
Mga mommies, naalala nyo ang jobstreet haha.. nakaka throwback db?. parang ang saya saya natin nung nagkaroon ng jobstreet dahil hindi na natin kailangan isa isahin pasukin lahat ng building sa Makati para lang makapag apply.
Palagi akong tinatanong ng mga mommies kung saan ako nakakapaghanap ng clients. Marami ng online sites ngayon mga mommies na pwede tayong mag apply. kung saan nandun din ang mga foreign clients na naghahanap ng mga filipino employees. Parang yellow pages ito kung saan ikaw ang mamimili kung ano ang aaplyan mo depende sa forte at skills mo.
5. Build your profile
(ito ay nasa ibang blog ko)
Ngayon, ito ay parang resume, virtual nga lang. di mo na ipi print at didikitan ng picture haha. Dito mag sign in ka, ilagay mo lahat ng tungkol sa yo, mga past experiences mo, skills, trainings at kung ano ano pang meron ka para maging appealing ka kay client at makikita nya kung anong kaya mong gawin para makatulong sa pagpapalago ng business nya. Once na nag sign in ka dito, ito na palagi ang makikita ni clients everytime na may aaplayan ka. Pwede mo rin itong e edit depende sa mga bagong knowledge na na acquire mo.
6. Work station
Syempre mga mommies, kailangan mo rin ng onting peace habang nagtatrabaho ka. hindi porket nasa bahay na lang ang trabaho mo. pwede ka na kahit sa kusina. kailangan mo pa rin ng onting quiet space. kung saan pwede kang mag concentrate at mag focus sa trabaho mo. kung saan pwede kang mag isip ng mga susunod na hakbang para mapagbuti mo ang gagawin mo. Pwedeng i set up ito sa kwarto, o kung meron kang extra room pwede rin. or kung maliit naman ang bahay mo kahit sa isang sulok ay pwede na. pero hindi naman ung nakikita si hubby na nagluluto sa likod. haha kasi sabi ko nga minsan may mga clients na gusto ng naka video call habang ngabibigay ng instructions. Pwedeng sumandal ka sa isang pader at pagandahin mo na lang ang background. Tulad kapag online english teacher ka, kailangan talaga 100% of the time naka webcam ka.
Pero dapat, bukod sa lahat, dapat maging emotionally prepared ka. kasi unang una mawawala na ang social life mo, maririnig mo si baby na umiiyak, kailangan mo pa palang magluto kasi dadating na ang mga bata galing school ha! Sa mga susunod ko na blogs tatalakayin natin kung paano gawing balanse ang pagiging work-at-home moms at pag aasikaso sa ting pamilya. So go mommies! Be the SuperMom that you are!
Ano ano nga ba ang mga trabaho na pwede gawin o makuha sa online? Ito ang alamin naitn sa susunod mga mommies.

Comments