top of page

Top 5 websites to look for online jobs for freelancers in the Philippines.

  • Writer: Cwahm PH
    Cwahm PH
  • Apr 23, 2018
  • 3 min read

Eto na mga mommies alam ko excited kayo dito. para sa akin ito ang top 5 websites na pwede nyong puntahan para makahanap ng trabaho online. Ung iba hindi pa ako nakakapag sign up. Pero pag aaralan ko para maituro ko sa inyo.

1. Outsourcely

Di ko pa nata try to mga mommies. Pero pag aaralan ko para maibigay ko sa inyo ang step by step na pag s sign up.

Pero ang alam ko may bayad dito para makapag sign up ka. And kapag may job posting, ung admin mismo ng outsourcely ang mag eemail sa yo para sabihin na may job posting sa skill set na meron ka. Unlike sa ibang sites na walang bayad. Ikaw talaga ang magttyagang maghanap ng mga client.

https://www.outsourcely.com/

2. Upwork

Dito mga mommies, sa loob ka mismo ng system ng upwork mag tatrabaho. Meron sila sariling time doctor, or screencap monitoring para mabantayan nila at mabilang ang oras na ginugol mo para makumpleto mo ang trabaho. Pwede ka rin maghanap ng part time, full time or project based job dito.

Meron silang bidding dito, ibig sabihin i ppresinta mo talaga ng husto ang sarili mo para ikaw ang piliin ni client.

pati ang payment system from client to employee ay dumadaan sa system ng upwork. Ibig sabihin ang upwork ang middle man mo dito. Hindi mo pwedeng ilabas si client kasi pwede kang i suspend ni upwork. (haha madaming beses nangyari sa akin un).

Maganda ang system nila kasi may proteksyon ka talaga dito against sa mga scam at mapagsamantalang mga clients

https://www.upwork.com/

3. Onlinejobs.ph

Isa ito sa mga sites na sinasabi ko na walang bayad ang sign up. Pero ikaw mismo ang mag iisa isa sa mga job posting para applayan.

Dito ako nakakahanap talaga ng client. Sa site an ito. Kasi nag fo focus sila sa Filipino employees. Dito mga mommies walang bayad mag sign up. dahil si client ang nagbabayad kay onlinejobs.ph para makapag post sya ng job hiring nya. then kapag nagustuhan ka ni client ilalabas ka na nya sa email o skype at kayo na mismo nag maguusap.

Gusto ko dito kasi ka church ko ang may ari ng site na to. nag originate sila sa Utah at tiwala akong walang masyadong scam dito kasi mababit ang mga Mormons. Charot!

https://www.onlinejobs.ph/

4. Freelancer

Di ko pa rin nat try to mga mommies. Pero halos ang mga job na meron dito web developers, multi media, desingers and other IT related jobs.

https://www.freelancer.com/

5. LinkedIn.

Para syang facebook and onlinejobs.ph in one. Dito makikita mo ang details tungkol sa company ni clients at kung anong ginagawa ng company nya. Makikita mo rin ang mga job posting nya dito. Unlike sa ibang sites na jobposting lang mismo ang nakikita mo. And vice versa, makikita ka rin nya ang ang resume or profile mo.

https://www.linkedin.com/

Pero wag masyadong excited mga mommies. Kailangan mag sign up ka muna at magbuild ng matibay ng profile or resume para makapag apply sa mga sites na to. Kagaya ng paggawa ng cover letter at pagtayo ng sarili mong portfolio. Kasi meron din silang paraan para malaman kung legit ka bang employado na naghahanap ng trabaho.

Sa mga susunod na blog ko mga mommies isa isahin natin kung paano mag sign up sa mga sites na ito at kung paano palakasin ang profiles natin. Gumawa ng cover letter at portfolio para mapansin tayo ng mga clients.

Bear with me mga mommies, mahirap pong pagsabay sabayin ang mamanage ng site, fb, blogs, and inquiries.

Soon magpo post na rin ako ng hiring galing sa mga sites na ito para mas mapadali ang paghahanap natin ng trabaho.

Happy reading mga mommies. Kisses!

 
 
 

Comments


©2018 by Creative Work at Home Moms - PH. Proudly created with Wix.com

bottom of page