top of page

Steps on how to create your own Profile in Onlinejobs.ph

  • CWAHMP
  • Apr 28, 2018
  • 4 min read

FIRST STEP! Gumawa muna kayo ng sarili nyong email. Ung email na hindi nyo makakalimutan ang password nyo. Ung email na habang buhay nyo na gagamitin. Ung email na maya maya nyo iche check. Pwedeng yahoo. gmail, hotmail, at kung meron pang yehey pwede na rin.

Hindi ung email na papalit palit dahil may ini stalk kayo sa fb. joke!

Bakit? Kasi dito pupunta lahat ng messages nyo galing sa onlinejobs.ph at sa iba pang site . Dito ka maco contact ni client. Dito mapupunta lahat ng messages nya. Dito kayo magne negotiate. At kalaunan dito na rin sya magbibigay ng trabaho sa yo.

Pwede mo rin o link dito ang payment system mo. Tulad ng Paypal, Paymaya, Pioneer. Kung saan makakatanggap ka ng notification na may pumasok sa mga account mo na ito.

Pero depende sa inyo. Kasi si hubby iba iba ang email nya kada kliyente. Para raw hindi sya malito.

Punta na tayo sa pag sign sa onlinejobs.ph

ito ang link nila

http://zipansion.com/BQPR

First step. Pindutin ang register sa upper right ng page.

Second step. Piliin ang button na "want a Job'

Ilagay full name, email add, at passwrod na gusto mo.

Meron check box na kailangan i check at meron ding tanong na kailangan sagutin. Sagutin po ng tama para tuluyan tayong makapasok sa site.

Congratulations! Pasok ka na!

Next Page: Ilagay lahat ng informations tungkol sa yo.

Napaka importante nito kasi makikita ni client kung anong trabaho na hinahanap mo, kung anong skills meron ka magkano ang asking rate mo.

Pati na rin ang ibang informations tungkol sa yo. Ilagay natin ang tama at totoo nating inpormasyon dahil may karapatan ang onlinejobs.ph na i delete ang account mo kapag mali ang impormasyon na binigay mo. Kailangan nyo rin palang ilagay ang website nyo. Ito ay ang inyong portfolio. Dito nakalagay ang lahat ng previous work nyo. Kunwari sa writing or design. Maraming free site ang pwede nyong gamitin para makapagsimula kayo ng simpleng website.

3rd Page. Lagyan ng stars ang mga skills na alam mo. 1 star is pinaka least na alam mo at 5 star naman kung expert ka sa field na un. Dito malalaman ni onlonejob.ph ang trabaho na bagay sa yo. I rate nyo lahat, para makita ni client lahat ng skills at kaya nyong gawin. Sabi nga nila kapag nagbigay ng task, sabihin mong alam mo at kaya mo. Then kapag nakuha mo na, tsaka mo na pag aralan.

Hanggang sa dulo mommy.

Page4: Dito naman, malalaman ni onlinejobs.ph kung legit ka. hihingi sya ng profile pic mo, government ID at Facebook link mo. Wag matakot mga mommies, hindi makikita ni client ito. Ito lamang ay paraan para malaman ni onlinejobs.ph na legit ka. At kailangan nyo rin pong kumuha ng proficiency test para tumaas lalo ang ID Proof nyo.

Dito mo makikita ung profile mo. palagi mong bibisitahin ito para i update ang mga knlowledge mo or ang rate mo. PROOF ID: ano ang proof id? Ito ang nagpapatunay na legit ka. Mas mataas ang proof id mo, mas malaki ang chance mo na makita ni client. kasi nga Legit ka!

Ito naman ang inbox mo. Lahat ng papasok na messages dito galing kay client ay papasok din sa email address na ni register mo. Pwede ka ring mag bookmark n mga job posting na na applyan mo na.

pagkatapos mo ng lahat. Pumunta ka na sa "job posting" para makita mo na ang mga trabaho na para sayo. Pwede ka ring mag click sa mga blue bar na nakikita mo para mas filtered or spicific ang jobs na makikita mo.

Ito na ang palengke ng onlinejobs.ph. andito na lahat ng job posting galing sa iba ibang foreign clients. Merong full time, part time, project based. Pwede mo rin i filter para mas pili ang mga makikita mo.

Marami pang job posting. Sa baba makikita nyo ang mga pages para makahanap pa kayo ng maraming pwedeng applayan.

Kapag pumuindot ka sa isa sa mga job listing. ito ang lalabas.

Ito ang sinasabi ko na ID PROOF. Merong mga jobs posting at karamihan dito ay nanghihingi ng id proof na hindi bababa sa 70. Kaya napaka importante na mag upload ng government ID at i link sa Facebook ang account mo para talagang legit ka.

Ito ang totoong account ko. Mataas na sa 70 ang ID proof ko kaya lumabas na ung bar na APPLY sa pinili kong job posting. Ikumpara nyo sa mababa ang id proof. Importante ring basahin muna ang Job Review ni client bago ka mag apply, para alam mo kung ano ang skills na hinahanap nya. Kasi hanggang 10 job applications lang ang ina allow ni onlinejobs.ph per day.

once na na click nyo ang bar na APPLY. ito ang sususnod na page na makikita nyo. Jan nakalagay ung title ng job na pinasok nyo kanina nung nagre register pa lang kayo. Pero kailangan nyong gumawa ng cover letter. (ituturo ko rin po yan). Kailangan malakas ang dating ng cover letter nyo. Kasi yan ang unang mababasa ni client kapag natanggap nya ung application nyo.

Sa baba, pwede nyo rin ilagay ang iba nyong contact details. kung meron pa kayong ibang email address, skype id, or kung saan pa pwede kayong makontak ni client Ito ung sinasabi ko na 10 job application lang ang allowed per day. Kaya ugaliing magbasa ng mga job overview ni client. Kasi may mga ibang instructions pa sila doon na binibigay.

ito naman ang makikita ninyo kung naging successful na ang pag aapply nyo.

Ito ang sample ng inbox ko. Tulad ng sabi ko kanina. Dito pupunta lahat ng messages ni client na nagustuhan ang profile mo. Andito rin ang mga bookmarks ng trabaho na inaplayan ko.

Ito naman ang page na pupuntahan nyo kapag kailangan myo na mag log in ulit at maghanap ng trabaho.

Happy Job Hunting mga mommies!

 
 
 

Comments


©2018 by Creative Work at Home Moms - PH. Proudly created with Wix.com

bottom of page