Unang tanong: Legit ba ang mga online jobs?
- CWAHMP
- Apr 21, 2018
- 4 min read
Legit nga ba ang mga online jobs mga mommies? Ang sagot ko. Oong oo. Kung hindi man ako 100% sure, malamang mga 99.9%. Kasi ang binebenta mo dito, hindi products, hindi slots at lalong wala kang upline. haha.
Ang binebenta mo dito, serbisyo mo, talino mo, skills mo, talent mo. Ung mga bagay na ginastusan mo ng mahaba at matagal na panahon para lang makatapos ka. Pinaggugulan ng pera at oras para maging mahusay ka sa field na pinili mo. At hindi lahat meron ng talent or skills mo. Hindi lahat kaya ang ginagawa mo. Kaya kailangan ka ng mga clients. Dahil kahit sila, hindi nila kayang gawin ung ginagawa mo.
Mga mommies, legit na po ngayon ang mga online/freelance/homebase/work at home jobs, at kung ano pa man ang tawag nila jan. Pero ngayon merong mas uso, ang tawag na sa atin.. TELEWORKERS. Soshal!
Bakit? Mga mommies, ako at ang hubby ko po ay over 5 years ng nagtatrabaho bilang teleworkers. Marami na rin po akong naging clients at marami na rin akong natulungan para magkaroon ng career bilang freelancer. And yes, masasabi ko, sustainable income sya talaga.
Magbibigay ako sa inyo ng maiksing example. Usong uso ang mga BPO, paano ba gumagalaw ito? Meron pong 3 sides ang business na ito. Si client, kung saan manggaling ang trabaho, si investor, ang middle man, at si employee, tayo un, ung nagbibigay ng serbisyo at vice versa. Between client and employee. palaging dadaan kay investor at sa team nya.
So si investor maraming pera, anong gagawin nya sa lahat ng pera nya? magpapatayo sya ng company, magtatayo or mag hhire sya ng building, hahanap ng empleyado, magbubuo sya ng HR team, marketing team, finance at maraming pang iba para mapatakbo ang negosyo nya. Ang tawag dito nga ay bpo.
Kapag nakabuo na sya ng team, maghahanap na ssi company ng clients abroad, so si clients maraming demands para sa business nya, ngayon maghahanap naman si company ng mga employees dito sa pinas na may alam sa skills at makakapuno ng mga pangangailangan ni clients. Jan na ngayon pagaganahin ni company ung team na nabuo nya. Si company na ngayon ang tinatawag na middle man. Kumikita sila sa pamamagitan natin pero wala naman silang masyadong effort na ginagawa.
So ako, hamak na empleyado lang at may onting skills sa English. Mag aapply ako kay HR team. So exam, inteview, requirements. Pasok na, may trabaho na ako. Ang huling tanong, How much salary do you expect? ako: Sir 25,000 pesos a month is enough to pay for my services. (sample lang to ah, walang personalan.) so 25,000 pesos per month. Sasabihn ngayong ni company kay client 50,000 pesos daw sya a month e. Ha!? Nakakagulat db? Pero bakit? bakit kailangan nyang taasan ang singil kay client?. Syempre kailangan nyang doblehin or triplehin ang asking rate mo. Kasi po mga mommies, may mga bills din na binabayaran si company, kuryente, tax, ung bayad nya sa team na binuo nya and so on. At syempre doon rin po sya kumikita.
At sa buong employment mo sa BPO, si client at si employee, kailanman ay hindi mag kukrus ang landas. Palaging dadaan kay company at sa mga team nya.
Ngayon sa online jobs, pina simple, tinanggal si middle man, that means tinanggal si company. And ang naguusap na lang ngayon ay si employee at si client. Tanong ni client, How much salary do you expect? Me: 35,000 pesos a month. WOW! anlaki! Pero sa side ni client wow din, kasi anlaki rin ng natipid nya. Kaya mas gusto rin ni client sa mga freelancers. Kasi mas maliit ung pera na ilalabas nya. So win win situation lang mga mommies.
Kung baga para kang bumili ng mahal gulay sa palengke na malapit sa inyo, pero kung dederecho ka sa Baguio. Mas mura mong mabibili ang mga gulay kasi dumerecho ka mismo sa source at wala ng dinaanan na ibang middle man ung gulay na binili mo.
gets? Great!
And you know what's greater?? Ung 6 hours kong binabyahe back and fro from cavite to Boni nung office based pa ako. makakahanap pa ako ng isa pang kliyente. Mas winner db? imbes na nasasayang ang oras ko na nakaupo sa bus at naghihintay sa traffic. Mas napakinabangan ko pa. At pwede ka pang kumuha ang maraming kliyente at pagsabayin mo sa isang 8 hr-shift, depende sa kaya ng oras mo.
Plus, no traffic, no pollution, no annoying officemates, no bosses peaking over your shoulder, no scheduled leaves. Pwede ka pa umidlip in between, umattend ng meeting sa school ni bunso, maglaba, magluto at magpa massage kapag wala pang task na sinisend si client.
Pero wag magpapadala mga mommies, legit ang mga sites for online jobs, pero may mga clients na hindi legit. meron din talagang scam, at hindi naman talaga mawawala ang mga mapagsamantalang tao sa mundo. ung ipapagawa sa yo then hindi ka babayaran. Kaya nga meron tayong mga sites kung saan tayo makakahanap ng clients, kasi un rin ung magiging proteksyon natin against sa mga mapagsamantala. Pwede natin sila isumbong sa admin ng sites at di na sila makakapag post ng jobs nila.
Pero madalang lang naman un, as time goes by malalaman mo rin kung sino at legit at hindi. sabi nga nila. we learn from our mistakes. Kasi kahit si client, nagtatanong din kung legit ba tayo o hindi. haha. Kasi gusto rin nila ang employee na magtatagal sa kanila at sabi ko nga, matutulungan sila sa pagpapalago ng business nila. kaya napakaimportate ng palakasin natin ang mga profile and resume natin sa mga sites na ito, para mas malaki ang chance natin na tayo ang piliin ni client.
Pero sa isang scam na client, meron ka pang 100 clients and more na pwedeng applyan at pagpilian. Minsan kung sinuswerte ka. Makakahanap ka talaga ng client na sobrang bait at mag stick sa yo kahit 5 years na. At minsan sila pa mag po provide ang equipments and internet bills mo.
So mga mommies, subukan lang natin, Sabi nga nila. test the water. Wag ka munang mag resign sa day job mo habang nag aapply ka sa online jobs.
At sa mga mommies naman na nasa bahay na gustong magkatrabaho, napakalaking oppurtunity po nito para sa atin.
Tutulungan ko kayo step by step kung paano humanap ng client na magki click sa tin at sa skill set natin.
Thanks for reading mommies, and let me know what you think!
Be the SuperMom That You Are! Kisses!
コメント