top of page

Top 10 Online jobs na in-demand ngayon sa Pilipinas.

  • CWAHMP
  • Apr 22, 2018
  • 3 min read

Ang online homebased job ang nauusong paraan ngayon sa Pilipinas lalo ng sa mga maybahay kung saan pwede kang matrabaho sa loob ng iyong tahanan habang inaalagaan mo ang iyong pamilya. In-demand ito lalo na sa may skills tungkol sa developing and marketing.

Makikita sa ibaba ang isang screenshot image ng page ng isang online site kung saan naka post ang mga jobs and skills na kailangan ni client.

Ano ano nga ba ang mga trabaho na makukuha natin sa online jobs? Kung gusto mong mag apply bilang isang homebased freelancer, pwede mong i consider itong mga skills na ito para pag aralan. O kung may alam ka na tungkol sa mga skills na ito, pwede mo itong i enhance pa lalo para makakuha ng ng long term clients as a freelancer. Isa isahin natin mga mommies.

1. English proofreading

Proofreading ang isang napaka simpleng paraan kung saan babasahin mo ng mga words, sentences at paragraph para hahanapin ang mali, misspelled words, typo errors, grammatically errors at writing styles.

Skills needed

- Sentence Sturcture

- Basic Sprelling and Grammar

- Nouns, verbs and tenses

- Idioms

at marami pang iba

Rate for experienced proof reader : 20-30$/hour

2. Seo Writing

Search engine Optimize ay isa na siguro sa pinaka in-demand na trabaho ngayon sa online. At lalo pang magiging in-demand sa mga susunod na taon.

Skills needed

- Blog writing

- Writing skills

- Keyword research

Rate for experienced SEO writer: 35$-50$/hour

3. Virtual Assistant

Ang Virtual assistant or VA ay ang trabaho na hindi na kayang gawin ni client dahil busy ang schedule nya. Tulad ng paper works, phone calls, appointment setter, technical, administrative at creative aspect kung saan makakatulong sa pagpapatakbo ng kumpanya ni client.

ito ang mga skills nakailangan para maging effective na VA

- Project management

- Secretarial

- Office skills

- Internet Marketing

- Social Media

- at marami pang iba

Rate for experienced VA: Negotiable depende sa galing at lawak ng alam mo.

4. Animation

Sila ang gumagawa ng animations para sa films, games, TV at mobile apps. Usually ito ay mga videos, drawing and illustrations na ginagamit sa ads, sa presentations o sa productions . At may mga ginagamit din sila software para dito.

Software na kailangan

- Adobe After Effects

- Motion Graphics

- Adobe Photoshop

- 3d Animation

at marami pang iba

Rate for experienced Animator: 50-90$/hour

5. Video Editing

Maraming klase ang video editing na pwede mong gawin, pwedeng sa marketing, education or animations.

skills na kailangan,

- Video editing/Production

- Adobe Premier

- Photography

6. WordPress Development

Ito ang tool na ginagamit para mag build ng websites. Well not like a web developer exactly, pero kapag may alam ka na tungkol dito, kahit sino pwedeng gawin. Ang gagawin mo lang ay pag aralan ito ng mabuti.

Skills na kailangan mo

- HTML, CSS, Javascript, jQuery

- HTML, CSS, Javascript, jQuery

- PHP, WordPress API

experieced wordpress developer rate: upto 100$/hour

7. Accounting

Ang pinaka responsibility ng isang accountant ay i prepare at i check ang financial records ang isang kumpanya. Sinisigurado nilang nasa ayos ang mga records at bayad ng tama ang mga taxes. Hindi mo kailangan maging CPA para maging online job accountant. Pero pwede rin itong makatulong para mas mapansin ka ni client.

Skills na kailangan mo

- Accounting / Bookkeeping

- Spreadsheet

- Financial Analysis/Accounting/Forecasting

- Accounts Payable Management

at marami pang iba

8. Sales/Marketing executive

9. English Teacher/Costumer Support

10. Data Mining/Data Entry

at marami pang iba. May mga trabaho na magugulat ka. Ung hindi na pala kailangan kunin sa collage ng apat na taon pero pareho rin ng salary rate ng isang 4-year graduate employee.

Tulad na lamang ng

- Shopify Development/Shopify Uploader

- Facebook Maintenance/Social Media Admin Job

- Ebay product lister, product research

at marami pang iba

Ano pang hinihintay natin mga mommies, subukan nating pag aralan at i enhance ang skills natin sa mga field na ito. At magbubunga rin ang lahat ng pagod natin.

Syempre mahirap sa simula mga mommies, mag tyatyaga muna tayo sa maliit, dahil kapag matyaga ka, baka sa loob ng isang taon ay expert ka na. Ang ibig kong sabihin mga mommies. Rates are negotiable at depende sa lawak at galing ng experience mo.

Tara, tutulungan kita.

Ito po ay sample ng isang site kung saan nakalista ang lahat ng trabaho na ino offer ng clients.

Ito po ay sample ng isang site kung saan nakalista ang lahat ng trabaho na ino offer ng clients.

*Disclaimer: Rates are based on top online job site and are subject to change without prior notice.

 
 
 

Комментарии


©2018 by Creative Work at Home Moms - PH. Proudly created with Wix.com

bottom of page